Connect with us

Paggamit ng single-use plastic, ipinagbabawal na sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan

Paggamit ng single-use plastic, ipinagbabawal na sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan

National News

Paggamit ng single-use plastic, ipinagbabawal na sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan

Ipinagbabawal na ang paggamit ng mga single-use plastic sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan.

Ito’y ayon sa Department of Environment And Natural Resources (DENR) matapos aprubahan ng National Solid Waste Management Commssion (NSWMC) ang isang resolusyon na nag-uutos sa DENR para ipatupad ang naturang ban.

“The NSWMC resolution is a major step to curb the use of single-use plastic items that pollute our waterways, kill marine life and contribute to our country’s increasing solid waste,” sabi ni Cimatu.

Sakop ng ban ang national government agencies, local government units (LGUs), at lahat ng mga government-controlled offices.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na single-use plastics ay tulad ng cups na mas manipis sa 0.2 millimiter, drinking straws, coffee stirrers, kutsara, tinidor, kutsilyo, “labo” at sando bags na mas mababa sa 15 microns.

Sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu na bubuo sila ng guidelines para sa implementasyon ng plastic ban, na magiging bahagi ng solid waste avoidance at minimization strategy ng pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top