Connect with us

Paggawad ng 360 housing units at groundbreak ng panibagong pabahay project ng NHA, isinagawa sa Cavite

Paggawad ng 360 housing units at groundbreak ng panibagong pabahay project ng NHA, isinagawa sa Cavite

National News

Paggawad ng 360 housing units at groundbreak ng panibagong pabahay project ng NHA, isinagawa sa Cavite

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paggawad ng pabahay at groundbreak ng isang panibagong proyekto ng National Housing Authority (NHA) sa lalawigan ng Cavite nitong ika-12 ng Enero 2024.

Kasama ni PBBM sa event si NHA General Manager Joeben Tai.

Ang groundbreaking ceremony ng Ciudad Kaunlaran Phase II sa Brgy. Molino II, Bacoor City, Cavite ay nagpahiwatig ng pagsisimula ng konstruksyon para sa 2 tig-5 palapag na gusali na bubuo ng 120 housing units.

Habang, 1 karagdagang 5 palapag na gusali rin ang nakatakdang itayo sa lalong madaling panahon na may 60 pang units sa parehong lokasyon.

Samantala, ang 6 na gusali ng Ciudad Kaunlaran Phase I ay “ready for occupancy” na para sa 360 pamilyang apektado ng Supreme Court Mandamus to Clean-Up the Manila Bay Area.

Nagpapatuloy naman ang konstruksyon ng Phase I para makumpleto ang kabuuang 9 na 5 palapag na gusali.

Ito ay binubuo ng kabuuang 540 housing units, na may sukat na 24 sqm. bawat yunit.

Ang Ciudad Kaunlaran ay resulta ng matagumpay na pagtutulungan ng NHA, kasama sina Bacoor Mayor Strike Revilla, Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla, at Senator Ramon “Bong Revilla Jr.

Dumalo rin sa naturang okasyon sina Senators Cynthia Villar, Francis Tolentino at Mark Villar; kasama sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar; Cavite Governor Jonvic Remulla; iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ilang stakeholders.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng “Building Better and More Housing” agenda ng administrasyon na naglalayong matugunan ang backlog ng pabahay ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top