Connect with us

Paggawad sa dating frequency ng ABS-CBN, naaayon sa rules and regulations – NTC

Paggawad sa dating frequency ng ABS-CBN, naaayon sa rules and regulations - NTC

National News

Paggawad sa dating frequency ng ABS-CBN, naaayon sa rules and regulations – NTC

Nanindigan ang National Telecommunication Commission (NTC) na naaayon sa kanilang rules and regulations ang pagbigay sa mga dating frequency ng ABS-CBN.

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgar Cabarios, maraming interesado na kumuha sa binawing frequency ng ABS-CBN.

First come, first served basis din aniya ang paggawad sa mga ito ngunit tiniyak ng NTC na kwalipikado ang mga nabigyan.

Iginawad ang provisional authority sa Aliw Broadcasting Corporation para mag-install, mag-operate, at mag-maintain ng digital tv broadcasting system gamit ang Channel 23 na epektibo noong Enero 5.

Dagdag pa ng NTC, simula pa noong taong 2017 ay naghihintay na ang Aliw broadcasting corporation ng available na digital tv frequency.

Iginawad naman ng NTC ang kontrol sa Channel 43 sa Sonshine Media Network International (SMNI).

More in National News

Latest News

To Top