Connect with us

CIDG, sinimulan nang hanapin ang higit 300 pasahero na nakasabay Chinese couple na nagpositibo sa 2019-nCoV

Binubuo na ng Estados Unidos ang bakuna kontra sa 2019 novel coronavirus.

National News

CIDG, sinimulan nang hanapin ang higit 300 pasahero na nakasabay Chinese couple na nagpositibo sa 2019-nCoV

Sinimulan na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang malawakang contact tracing sa 331 pasahero na nakasabay sa eroplano ng Chinese couple na unang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus sa bansa.

Ayon kay CIDG Director MGen. Joel Coronel, binigyang ng 48 oras o dalawang araw ang kanilang mga operatiba upang hanapin at kontakin ang nasabing mga pasahero ng tatlong eroplano na nakasalamuha ng mag-nobyong chinese.

Kabilang dito ang mga pasahero ng flight 5J-241  na Hong Kong-Cebu, flight DG-6519 na Cebu-Dumaguete noong Enero a-21, at PR-2542 na Dumaguete-Manila noong Enero a-25.

Inihayag ng Department of Health na nasa 58 pasahero ng eroplano ang natukoy na umupo malapit sa mga pasyenteng biktima ng 2019-nCoV.

Karamihan sa mga pinaghahanap na pasahero ay mga taga Visayas Region partikular na sa Cebu City at Dumaguete at maging sa National Capital Region (NCR).

More in National News

Latest News

To Top