National News
Paghahanap sa mga nakasalumuha ng nCoV infected Chinese couple sa NegOr, nakompleto na
Nakompleto na ang contact tracing na isinagawa ng provincial government ng Negros Oriental (NegOr).
Ayon kay NegOr Governor Roel Degamo, 82 mga indibidwal ang natunton nila na posibleng nakasalamuha ng Chinese couple na kinalaunay nag positibo sa 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).
Dagdag pa ng gobernador, sa mga na-contact trace, 8 dito ay isinailalim sa Persons Under Investigation (PUI) at nag-negatibo sa naman nCoV ARD infection ang mga ito sa unang test at hinihintay na lamang nito 2nd test o confirmatory test mula sa RITM
Balik na rin sa klase ang mga estudyante sa Dumaguete City kahapon matapos suspendihin noong nakaraang linggo.
Mayroon na lamang 3 nasa PUM o Patients Under Monitoring ngayun na inoorserbahan ng Provincial Health Office ng Negros Oriental, 2 dito ay Chinese at 1 naman ay Polish National.
Matatandaan, dumating ang Chinese couple sa Dumaguete noong Enero 21 at namalagi sa isang resort ng ilang araw bago tumulak sa Maynila kung saan nagpagamot doon at nag positibo 2019-nCoV.
Ang kasama naman nito ay kalaunay namatay noong Pebrero 2, 2019 at naitalang kauna-unahang fatality sa 2019-nCoV dito sa bansa dahil sa komplikasyon sa Pnuemonia.
Samantala sa Cebu, patuloy pa rin ang Contact Tracing na isinasagawa partikular sa mga nakasalamuha ng Chinese Couple sa Airport Terminal dahil bago nagpunta ng Dumaguete City.