National News
Paghahanap sa nawawalang Pinoy seafarer, nagpapatuloy pa rin – DMW
Kinumpirma ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na tuluyan nang lumubog ang MV Tutor na unang inatake ng missiles ng Houthi rebels sa Red Sea nitong Hunyo 12.
Sinabi ni Cacdac na huling namataan ang barko noong June 17, 2024.
Lumubog aniya ang MV Tutor sa bahagi ng Eritrea sa East Africa.
Ayon kay Cacdac, “Yes the vessel is lost and apparently sank. there is an oil sleek as reported that was spotted at around the same projected location at the ship.”
Gayunpaman tiniyak ni Cacdac na tuloy ang search operations sa nawawalang Pinoy seafarer.
Dagdag pa nito, “Missing which means he’s not still not found we cannot officially confirmed his death or he’s passing, he still missing.”
Nilinaw naman ng opisyal na walang timeframe sa paghahanap sa nawawalang tripulanteng Pinoy.
Patuloy din ang kanilang pag-suporta sa pamilya ng missing Pinoy crew.
Patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa may-ari ng MV Tutor at sa manning agency ng Pinoy seafarers para sa mga benepisyo ng mga ito.
Matatandaang Hunyo 12, 2024 nang mangyari ang pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden sa barko na MV Tutor kung saan sakay ang 22 Pilipinong seafarer.
21 sa mga ito ay ligtas at nakauwi na nitong Lunes sa Pilipinas.
