National News
Pagharang ng Bustos LGU sa Maisug Rally, labag sa Saligang Batas – Atty. Roque
Labag sa Saligang Batas ang paghadlang sa isang mapayapang pagtitipon ng mga mamamayan. Ito ang iginiit ni Human Rights Lawyer at Former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kaugnay sa matinding panggigipit na naranasan ng mga organizers ng Maisug Peace Rally sa Bulacan.
“Hoy! kayong mga LGU, wala kayong karapatan na pumayag o hindi sa rally. Ang karapatan niyo lang ay sabihin kung san ‘yung lugar, oras, at manner ng pagtitipon. Pero ang rally permit ay nasa Saligang Batas… bill approved ‘yan,” ayon kay Atty. Harry Roque.
Karapatan ng mga mamamayan ang magtipon upang maipahayag ang kanilang pananaw at saloobin.
Iyan ang iginiit ni former Presidential Spokesperson Attorney Harry Roque sa special coverage ng Pilipinas Nating Mahal ng SMNI noong Linggo, Abril 28.
Ipinunto ni Atty. Roque ang nakasaad sa Saligang Batas na right to peaceful assembly o karapatan ng mga Pilipino na magtipon ng mapayapa nang walang takot sa pang-aapi o represyon mula sa pamahalaan.
“Alam niyo po ‘yung right to peaceful assembly ito po ay isang karapatan na nangggagaling po ‘yan sa Bill of Rights, hindi po ‘yan nanggagaling sa gobyerno, hindi po ‘yan nanggagaling sa LGU,” dagdag pa nito.
Ihinalimbawa ni Atty. Roque ang Primicias versus Fugoso case, at ang rally na ginawa ng dating presidential spokesman kasama ang isang grupo sa Mendiola noon.
“Lumang-lumang kaso na po, Primicias vs Fugoso hindi po galing sa LGU ang permit para magrally, ang ating permit po ay galing sa Saligang Batas. Ang… lamang ng LGU ay ‘yung time, place, at manner ng kanyang pagrarally. At alam nyo ba ‘ho noong time ni PGMA, eh tayo papo ang nagpunta sa Korte Suprema na pinagbawal po magrally jan sa may San Beda diyan sa Malacañang. Ang sabi ng Korte Suprema, inulit ‘yung Primicias vs Fugoso na hindi ang lokal na pamahalaan ang nagbibigay ng approval para mag-rally, sila ay time, place at manner lamang. At kapag ang lokal na pamahalaan ay di nag-approve ng rally permit ng walang dahilan bukod sa clear and present danger, bill? approved ‘yan. Alam ko ‘yan dahil ang ginawa ko po ay talagang nagrally kami dahil walang permit magsunday best kayo magpaka sosyal kayo don ng hindi tayo maging clear and present danger dahil mga sosyalista ‘yung mga nagraraly don.”
“Sabi ng ating Korte Suprema, ang ating mga kalye ay talagang health? entrusted para sa mga mamayang nagtitipon tipon hindi talaga ‘yan para sa mga sasakyan. ‘Yan ay para sa mga mamamayang magtipon tipon at ipahayag ang saloobin nila na napakaimportante sa isang demokrasya,” ani Roque.
Ayon pa kay Atty. Roque hindi naman kailangan ng permit mula sa LGU kapag magtitipon-tipon sa isang private property.
Matatandaan na idadaos sana ang Maisug Peace Rally sa Bulacan sa isang pribadong lugar noong nakaraang linggo. Ngunit dahil sa panggigipit na naranasan ng mga organizers at pag-harang sa kanila sa araw mismo na dapat gaganapin ang rally, napagdesisyunan na ikansela na lamang ito.
“’Yung rally ay nasa pribadong property hindi kailangan ng permit mula sa LGU,” saad pa ni Roque.
Samantala, nang tanungin si Atty. Harry Roque sa kaniyang reaksyon sa pahayag ni Bustos, Bulacan Mayor Francis Albert “Iskul” Juan kung bakit hindi siya nagbigay ng permit, ito ang kaniyag sagot.
“Nagsabi ngayong hapon si Mayor Juan na nasa otoridad daw niya na pigilan ang kaguluhan kaya hindi siya nagbigay ng permit. Ang kanyang konsepto ng rally ay kaguluhan kaagad. Atty. Harry roque,” pahayag naman ni ka eric.
“Unang una ang sabi po ng Korte Suprema doon sa kaso na hinain natin na… vs city mayor of Manila, ang tanging dahilan para hindi maaprubahan ang rally permit ay kung mayroong clear at present danger. Bakit? Mambobomba ba ako? Mambobomba ba si Lorraine? Si Eric? May dala ba tayong sandata? Hindi po natin ginagawa ‘yan. Ang gumagawa niyan ‘yung kaalyado nilang teroristang CPP-NPA. Wala pong CPP-NPA na terorista sa ating hanay. Ang ating mga armas ay ating mga bibig at damdamin. At siyempre ‘yung mga presensya ng napakaraming mga mamamayan na nagpapahiwatig na pikang-pika na sila sa polvoronic administrasyon ni PBBM,” pahayag pa ni Atty. Roque.
