National News
Paghimok ng Lakas-CMD kay Mayor Sara sa pagka-VP, ‘di ikinatuwa ni PRRD – Aglipay
Para kay House Blue Ribbon Committee Chairman at DIWA Partylist Rep. Mike Aglipay, hindi ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang galaw ng Lakas-CMD kaya nahimok na tumakbo sa vice-presidential race si Davao City Mayor Sara Duterte sa ilalim ng partido.
Para kay DIWA, hindi sinisisi ng pangulo ang Lakas kung bakit sa kanilang partido umanib ang presidential daughter.
Nilinaw naman ni Aglipay na ang kanyang pahayag ay base sa kanyang obserbasyon sa mga naging sagot ng pangulo sa panayam sa kanya ng vlogger na si Banat By.
Samantala, kinumpirma naman ni Aglipay na nagkaroon nga sila na nasa 95 kongresista ang dumalo sa patawag na meeting kagabi sa Malakanyang kasama si Pangulong Duterte.
Lahat raw ng mga kongresista na dumalo doon ay suportado ang pagsusulong ng Bong Go-Sara Duterte tandem sa 2022.
Pinangunahan naman ni House Speaker Lord Allan Velasco ang house delegation sa dinner meeting.
Kinumpirma naman ni Aglipay na may banta ng ouster plot laban kay House Majority Leader Martin Romualdez na hindi kasama sa naimbitahan sa Malacanang.
Kinumpirma din nito na may mga hakbang din para magkaroon ng coup d’etat laban kay Speaker Velasco.
Pero ayon sa mambabatas, lahat ng mga ito ay galing umano sa kampo ni Romualdez.
Nilinaw naman ni Aglipay na walang hakbang ang liderato para palitan si Romualdez.
Malabo rin anyang mapalitan sa puwesto si Velasco dahil 30 lamang ang Lakas-CMD sa Kamara kumpara sa mahigit 200 miyembro ng PDP-Laban.
Malabo rin anyang mapalitan sa puwesto si Velasco dahil 30 lamang ang Lakas-CMD sa Kamara kumpara sa mahigit 200 kongresista na suportado ang Bong Go-Sara Duterte tandem.