Connect with us

Paghingi ng sorry ng ABS-CBN, tinanggap na ni Pang. Duterte

National News

Paghingi ng sorry ng ABS-CBN, tinanggap na ni Pang. Duterte

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang Pangulo.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang ambush interview sa Malacañang matapos ang oath-taking ng mga opisyal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at presentation ng 12th Ani ng Dangal awardees.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ipinauubaya na niya sa Kongreso ang at hindi siya nakikialam sa trabaho ng mga mambabatas.

Nilinaw din ni Duterte na wala siyang tinawagan ni isa mang kongresista para pigilan ang prangkisa ng network.

Inihayag din ng Pangulo na hindi niya maaaring pigilan si Solicitor General Jose Calida sa ginawang paghahain ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Aniya, independent ang SolGen kaya hindi niya maaaring diktahan sa anong dapat gawin sa trabaho.

More in National News

Latest News

To Top