Connect with us

Paghingi ng tawad ni Pang. Duterte sa pagpapahintulot noon ng e-sabong, welcome sa mga senador

Paghingi ng tawad ni Pang. Duterte sa pagpapahintulot noon ng e-sabong, welcome sa mga senador

National News

Paghingi ng tawad ni Pang. Duterte sa pagpapahintulot noon ng e-sabong, welcome sa mga senador

Welcome para sa mga senador ang paghingi ng tawad ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kaniyang pagpayag noon sa operasyon ng e-sabong.

Aminado ang pangulo na nag-aalangan siyang ihinto ang operasyon ng e-sabong dahil nagbibigay ito ng ₱640 milyong kita kada buwan sa pamahalaan na mahalaga lalo na nang manalasa ang pandemyang dulot ng COVID-19 sa bansa.

Sa isang text message, sinabi ni Senate President Tito Sotto na “It’s better late than never”.

Para naman kay Sen. Ronald Bato Dela Rosa, hindi kelan man naging huli ang apology o paghingi ng tawad ng punong ehekutibo.

Nagpapasalamat din si Dela Rosa na mas naging matimbang sa pangulo ang social cost ng e-sabong sa mga Pilipino.

Ito rin ang naging komento ni Sen. Joel Villanueva at sinabing mahalaga para sa susunod na henerasyon ang malinaw na paninindigan ng estado pagdating sa e-sabong kung saan mas mahalaga aniya ang pag-aalaga sa moralidad ng bayan kaysa sa ibinibigay na kita nito.

More in National News

Latest News

To Top