Connect with us

Pagiging biggest rice importer ng Pilipinas sa 2025, ‘di imposible – agri group

Pagiging biggest rice importer ng Pilipinas sa 2025, ‘di imposible - agri group

National News

Pagiging biggest rice importer ng Pilipinas sa 2025, ‘di imposible – agri group

Nakapagtataka na sa kabila ng malawak at mayamang lupaing pang-agrikultura ng Pilipinas ay itinuturing tayong top rice importer ‘di lang sa Asya kundi sa buong mundo.

Taun-taon nalang ay isyu ang importasyon ng bigas ng pamahalaan.

Kaya naman ang tanong kung kailan magiging rice self-sufficient ay tila nananatili pa ring isang tanong magpahanggang-ngayon.

Sa ulat ng World Markets and Trade ng United States – Department of Agriculture, aabot daw sa 4.7 milyong metriko tonelada ang aangkating bigas ng bansa para sa taong ito.

Mas mataas ‘yan ng 2.2% mula sa naunang pagtataya na 4.6 milyong MT dahil sa mataas na supply and demand sa Vietnam.

Pero, sa bagong report nito, sinasabi na posibleng umabot din sa 4.9 million metric tons ang aangkating bigas ng Pilipinas para naman sa taong 2025.

Ayon sa USDA, ito raw ay dahil sa posibleng kakulangan ng lokal na produksyon ng bigas dahil sa epekto ng El Niño, La Niña at sunod-sunod na mga bagyo.

Sa pagtataya ng USDA, inaasahang papalo lang sa 12.7 milyong MT ang lokal na bigas ngayon taon.

Habang aabot naman sa 12.4 milyong MT bigas ang mawawala sa bansa sa susunod na taon dahil sa ibat ibang kadahilanan.

Dismayado na naman dito ang grupong Federation of Free Farmers (FFF) dahil hindi raw impossible na mangyari ito.

Hindi naman daw kasi natutugunan ng pamahalaan ang pagpapalakas sa lokal na produksyon.

Ani Leonardo Montemayor, ang Chairman ng FFF, “Ang United States Department of Agriculture hindi ‘yan basta basta nagpapalabas ng mga production estimates na wala silang kumbaga matibay na basehan dapat talaga ay seryosohin natin dahil nakakabahala po ‘yang estimate ng USDA.”

Punto ng FFF, imbes na mga lokal na magsasaka ang natutulungan sa pagpapalago ng kanilang produksyon ay mga dayuhan pa ang nakikinabang sa pera ng bansa.

“Bad news kasi lalo pa’t ang pinag-uusapan dito ay mga pangunahing pagkain, staple food natin bigas. So, anytime na palaki ng palaki ‘yung ating dependents imports para punuin ‘yung ating pangangailangan sa staple foods.  Apektado ‘yung seguridad natin sa pagkain at pati na rin ang ating seguridad bilang isang bansa.”

Paliwanag naman ng Department of Agriculture sa Pilipinas normal na nagbabago ang importation data na tinataya ng USDA.

Pero, aminado rin ang ahensya na naaapektuhan ng mga kalamidad ang sektor ng Agrikuktura.

“Actually, ang rice program naga-adjust din ng projection na local production data anytime soon naglalabas sila. This could be lower than the actual na lower doon sa mga previous projection dahil sa mga ofcourse ‘yung El niño, tapos sunod-sunod na bagyo tapos may parating pa tayo na bagyo dahil sa La niña so there could be changes.

Ang maganda roon kahit mayroong pagbaba sa production at dahil ngayon nasa 3.51 na or almost 3. 6 million metric tons ‘yung ating importations as of in the latest data.”

Ginawa lamang ang pag-aangkat ng bigas upang hindi matugunan ang posibleng kakulangan sa suplay na maaaring makaapekto sa presyuhan ng bigas sa merkado.

Pero, wala raw dapat ikabahala ngayon dahil sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

“So, ‘yung ating overall stocks for the end of the year could still be 100. Ito ‘yung isa rin sa mataas stock data natin so nagma-match pa rin ‘yung imports and local production to meet ‘yung local demand.”

‘Yun nga lang kahit milyun-milyong metriko tonelada na ng bigas ang pumasok sa bansa hindi pa rin ramdam ang mababang presyo.

Naglalaro pa rin kasi sa P42 hanggang P60 kada kilo ang presyo ng bigas lalo na sa Metro Manila.

More in National News

Latest News

To Top