Connect with us

Pagkabaril sa retiradong militar sa QC, walang kaugnayan sa “shoot them dead” order ng Pangulo

Pagkabaril sa retiradong militar sa QC, walang kaugnayan sa “shoot them dead” order ng Pangulo

Metro News

Pagkabaril sa retiradong militar sa QC, walang kaugnayan sa “shoot them dead” order ng Pangulo

Nakikiramay ang Palasyo sa nasawing retiradong militar na si Winston Ragos matapos itong mabaril ng isang pulis sa Quezon City.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa isang public briefing kung saan nangangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng patas at mabilis na imbestigasyon patungkol dito.

Samantala, nilinaw ni Roque na walang relasyon sa shoot them dead na order ni Pangulong Duterte sa pagkabaril sa retiradong militar.

Batay sa preliminary report, tila nagkaroon ng sigawan at na-misinterpret ng pulis na akala niya ay dumudukot ng baril ang retiradong militar.

Pagbaril ng pulis sa dating sundalo, self-defense lamang ayon sa PNP

Naniniwala ni PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na “self-defense” ang pagbaril ng isang pulis sa dating sundalo sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Ayon kay Eleazar, kung hinayaan ni Police Master Seargent Daniel Florendo ang nangyari ay posibleng ito ang madidisgrasya.

Paliwanag ni Eleazar, kung siya ang nasa posisyon ni Florendo ay gagawin din niya ang naging hakbang nito sa dating sundalong si Winston Ragos.

Kung titingnan din ang video ay paulit-ulit ang ibinigay na babala ni Florendo kay Ragos.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na armado ng kalibre 48 baril si Ragos.

Samantala, magsasagawa din ng imbestigasyon ang Philippine Army sa pagbaril kay Ragos sa Quezon City.

More in Metro News

Latest News

To Top