National News
Pagkakaantala ng pamimigay ng cash subsidy ng mga LGU, dapat intindihin – Sec. Roque
Naiitindihan ng palasyo ang pagkaka-antala ng pamimigay ng financial assistance sa mga benepisyaryong saklaw ng social amelioration program.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa panayam ng Sonshine Radio.
Ani Roque, madali sigurong ipamudmod ang ayuda kung walang social distancing pero dahil nga sa banta ng COVID-19, baka ito pa ang magiging dahilan ng pagkalat nito.
Hinimok naman ni roque ang publiko na intindihin na lamang ang lgus dahil ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat para matugunan ang ganitong sitwasyon.
Samantala, nilinaw naman ni roque na hindi matatapos ngayong araw ang pamimigay ng ayuda mula sa gobyerno.