Connect with us

Pagkakahuli sa bansa ng isang miyembro ng Sinaloa drug cartel, malinaw na pagtaguyod ng hustisya – DOJ

Pagkakahuli sa bansa ng isang miyembro ng Sinaloa drug cartel, malinaw na pagtaguyod ng hustisya – DOJ

National News

Pagkakahuli sa bansa ng isang miyembro ng Sinaloa drug cartel, malinaw na pagtaguyod ng hustisya – DOJ

Malinaw na itinataguyod ng bansa ang hustiya laban sa mga nagdudulot ng banta sa kaligtasan.

Ito ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) kasunod ang pagkaaresto sa Pilipinas ng isang miyembro ng Sinaloa drug cartel sa Mexico.

Ang nahuli ay ang Australian na si Gregor Johann Haas.

Nitong May 15 nang maaresto ang Australian sa Cebu City batay sa red notice na inilabas ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).

Kasalukuyang naka-detain ang suspek sa pasilidad ng Bureau of Immigration (BI) sa Taguig City.

More in National News

Latest News

To Top