Connect with us

Pagkakahuli sa global terrorist na si Myrna Mabanza, malaking ‘breakthrough’ – PNP

Pagkakahuli sa global terrorist na si Myrna Mabanza, malaking 'breakthrough' – PNP

National News

Pagkakahuli sa global terrorist na si Myrna Mabanza, malaking ‘breakthrough’ – PNP

Itinuturing na malaking breakthrough ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakahuli sa most wanted person ng bansa na si US global terrorist na si Myrna Mabanza.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. malaking bagay ito sa usapin ng kapayapaan at problema ng terorismo sa bansa.

Para kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Romeo Caramat, bunga ito ng pagtutulungan ng pangunahing law enforcement agencies sa bansa lalo na’t malaki ang papel na ginagampanan ng suspek sa pagponpondo sa ilang malalaking terrorist group sa bansa gaya ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) Asia at Al-Qaeda.

Isa na rito ang suportang ibinibigay nito sa napatay na amir ng ISIS Asia na si Isnilon Hapilon.

Ayon sa PNP, matagal nang pinaghahanap si Mabanza dahil na rin sa mga patung patong na kaso nito simula pa noong 2016.

Agad na isasailalim sa kostudiya ng Zamboanga City Police ang suspek habang patuloy ang pagtugis sa mga kasamahan pa nito.

Samantala, nauna nang sinabi ng Philippine Army (PA) na kakaunti na lang ang natitirang local terrorist group sa bansa. Gayunpaman hiling nito sa publiko na tulungan sila sa pagsusumbong sa mga kahina-hinalang kilos ng mga tao na posibleng magdulot ng banta at takot sa komunidad.

More in National News

Latest News

To Top