Connect with us

Pagkalat ng pekeng video message ni PBBM laban sa China, pinaiimbestigahan na ng DOJ sa NBI

Pagkalat ng pekeng video message ni PBBM laban sa China, pinaiimbestigahan na ng DOJ sa NBI

National News

Pagkalat ng pekeng video message ni PBBM laban sa China, pinaiimbestigahan na ng DOJ sa NBI

Inatasan na ni Justice Secretary Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na pangunahan ang malalimang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nagpakalat ng pekeng audio na kaboses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y may kaugnayan sa inalabas na kautusan umano ng pangulo gamit ang artificial intelligence (AI) na paigtingin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbabantay laban sa China.

Ang naturang video ay kumalat sa social media platforms pero agad itong pinatanggal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos kumpirmahin ng Presidential Communications Office (PCO) na peke ang naturang video.

Nakasaad din sa utos na kapag natukoy na kung sino ang nagpakalat ng pekeng video o ng fake news ay agad itong sampahan ng kaso at tiyaking mapapanagot sa batas.

More in National News

Latest News

To Top