Connect with us

Pagkamatay ni dating BuCor Deputy Director Zulueta, walang foul play – PNP PIO

Pagkamatay ni dating BuCor Deputy Director Zulueta, walang foul play – PNP PIO

National News

Pagkamatay ni dating BuCor Deputy Director Zulueta, walang foul play – PNP PIO

Walang nakikitang foul play ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkamatay ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director Ricardo Zulueta.

Matatandaang naiulat na nasawi si Zulueta dahil sa heart failure dulot ng pagdurugo ng utak na kinumpirma ng kapatid nito kamakailan lang.

Ayon sa panayam ng media kay PNP Acting PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, nagbase lamang sila sa resulta ng autopsy nito.

Sa kabilang banda, tuloy pa rin anila ang kaso laban sa mga suspek sa pagkamatay ng dating brodkaster na si Percy Lapid kabilang na si Zulueta.

Bukod kay Zulueta, pangunahing suspek sa Percy Lapid case ay si dating BuCor Chief Gerald Bantag na nananatiling at large hanggang sa ngayon.

More in National News

Latest News

To Top