Connect with us

Pagkasayang ng COVID vaccines, kasalanan ng HTAC — Atty. Roque

Pagkasayang ng COVID vaccines, kasalanan ng HTAC — Atty. Roque

National News

Pagkasayang ng COVID vaccines, kasalanan ng HTAC — Atty. Roque

Kasalanan ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ng Department of Health (DOH) kung bakit marami ang mga nasayang na COVID-19 vaccines.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Harry Roque kasunod sa napabalitang nagkakahalaga ng P15.6-B o katumbas ng 31.3-M bakuna hanggang noong november 17 update.

Ayon kay Roque, kung inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng isang gamot, dapat hindi na ito harangin pa ng HTAC.

Matatandaang Sinovac mula China ang unang nakuha ng Pilipinas na COVID vaccines at marami pang proseso bago nakarating sa bansa ang Moderna at Pfizer mula Estados Unidos.

Ayon kay Roque, ang HTAC ang pumigil na gamitin ang Sinovac dahil sa kawalan nito ng tiwala sa Chinese medicines.

Ito na ang itinuturong dahilan ni Roque kung bakit marami-rami na sa mga bakunang nabili ngayon ay nasayang.

Ang HTAC ay nabuo kasunod ng pagsasabatas ng Universal Health Care Act na ang mismong may-akda ay si Atty. Harry Roque.

More in National News

Latest News

To Top