Connect with us

Pagkatalo sa 2022 Elections, tanggap na ni VP Leni – election lawyer

Pagkatalo sa 2022 Elections, tanggap na ni VP Leni – election lawyer

National News

Pagkatalo sa 2022 Elections, tanggap na ni VP Leni – election lawyer

“She said, we need to accept the majority’s decision,” ani Atty. Romulo Macalintal, Lead Counsel ni VP Robredo.

‘Yan ang mensahe ni Vice President Leni Robredo nang magsimula ngayong araw ang National Board of Canvassers o NBOC na magbilang ng mga boto sa nagdaang eleksyon.

Giit pa ng kanyang lead counsel na si Atty. Macalintal, pinagsabihan na raw ni Robredo ang kakampinks o ang kanyang taga-suporta na tanggapin nang sila’y talo.

“Vice President Leni Robredo asked her supporters that we need to accept the decision of the majority,’’ dagdag pa nito.

At kahit hindi pa tapos ang canvassing, batid ng kampo ni Robredo na madilim ang kinabukasan para sa kanila at walang pag-asa.

“Sinabi niya bagaman may hindi pa nabibilang, bagaman may mga tanong ukol sa eleksyon na ito na kailangang matugunan palinaw na ng palinaw ang tinig ng taong bayan. Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal ninyo, kailangan nating pakinggan ang tini na ito dahil sa huli iisang bayan lang naman ang bayang pinag-sasaluhan natin,” saad pa ni Macalintal.

Bukod sa mga nagsalitang kampo, wala ring pagtutol sa magiging resulta ng canvassing ang kampo nina Isko Moreno.

Nag-inhibit naman ang kampo ni Robredo at hindi na dadalo sa canvassing para maka move-on.

More in National News

Latest News

To Top