National News
Pagkawala ng laman ng bagahe ng isang pasahero ng Etihad Airways, hindi sa NAIA nangyari – MIAA
Inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi sa NAIA nangyari ang pagkakakawala ng mahahalagang gamit ng isang pasahero ng Etihad Airways.
Ayon sa MIAA, ito’y napatunayan kasunod sa isinagawang imbestigasyon sa CCTV footage ng MIAA at Etihad na ang isa sa mga laman na bagahe na ninakaw sa pasahero ay nangyari sa isang foreign airport kung saan nagstop-over ang mga pasahero habang papunta sa Maynila.
Matatandaang Sept.8 dumating ang pasahero sa NAIA Terminal 3 at napag-alaman nawawala ang sapatos at 3 mamahaling pabango ng pasahero.
Nagtrending sa social media ang reklamo ng pasahero
