Connect with us

Pagkikita ni BBM at Pang. Duterte, hindi turn-over ceremony – BBM camp

Pagkikita ni BBM at Pang. Duterte, hindi turn-over ceremony – BBM camp

National News

Pagkikita ni BBM at Pang. Duterte, hindi turn-over ceremony – BBM camp

Huwag ipagpalagay na turn-over ceremony ang naganap na pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at ni Presidential Candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ito paglilinaw ni Atty. Vic Rodriguez, ang chief-of-staff ni BBM sa panayam ng Sonshine Radio, hinggil sa usap-usapang nagmimistulang itinuturn-over na ni Pangulong Duterte ang bansa kay BBM.

‘We don’t want to be presumptuous or assume anything, eh ‘yun ay pag-uusap ng matagal ng magkaibigan na medyo may panahon na rin na hindi nakapag-kita sapagakat , pareho naging busy, lalo na si PRRD dahil dito sa kanyang pagtugon dito sa pandemya. But, we will leave it that, atin na lang pakinggan o abangan kugn anuman ang magiging pronouncement ng Malacañang, ng kanyang tagapag-salita, o dili kaya ni Sen. Bong Go,” ani Rodriguez.

Ibinahagi naman ni Atty. Rodriguez na masusundan pa ang town hall meetings kasama si BBM sa kanilang isasagawa pang campaign sorties.

Aniya, nakikita nilang mas gusto nang tao ang ganoong uri ng format para malaman kung ano nga ba ang plano ng isang kandidato para sa bansa sakaling mailuklok ito sa pwesto.

Samantala, dadalo bukas, March 26 si Bongbong Marcos sa The Deep Probe – Presidential Interview ng SMNI News.

Sa isyu ng nasabuyan ng tubig si Marcos sa isang motorcade, nilinaw ni Rodriguez na may nag-offer lang ng softdrinks kay BBM.

“Hindi naman siya sinabuyan. Someone was offering a coke or a soft drink sa kanya at dahil nga sa dami po ng tao, ‘yung itinaas po nang nag-offer na ganoon, naggulo ‘yung crowd, nagsiksikan, kaya na-alog, tumapon lang , pero hindi siya sinabuyan, it was offered to him,” paglilinaw ng tagapagsalita ni BBM.

At dahil nagsiksikan ang mga tao, aksidenteng natapon lang ito.

More in National News

Latest News

To Top