Connect with us

Pagkilala ng korte sa mga testigong nagbawi ng salaysay, nakababahala – Atty. Roque

Pagkilala ng korte sa mga testigong nagbawi ng salaysay, nakababahala – Atty. Roque

National News

Pagkilala ng korte sa mga testigong nagbawi ng salaysay, nakababahala – Atty. Roque

Nababahala ngayon si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na maging masamang pattern ang pagkilala ng korte sa mga testigong nagbawi ng kanilang sinumpaang salaysay.

Opinyon ito ni Roque kaugnay sa pagpayag ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na makapaglagak ng piyansa si dating Senador Leila de Lima para sa pansamantalang kalayaan mula sa kinakaharap nitong drug case.

Magugunita na mula sa 3 kaso na may kaugnayan sa iligal na droga, 2 dito ay na-dismiss dahil sa pagbaliktad ng mga testigo mula sa kanilang naunang sinumpaang salaysay laban sa senadora.

Sinabi naman ni Roque na bagamat bilang abogado ay nirerespeto niya ang desisyon ng hukuman, may agam-agam na siya sa magiging kahihinatnan ng kaso.

More in National News

Latest News

To Top