Connect with us

Pagkiling ni Sen. Legarda sa kalaban ng estado, nakapagtataka – PLtGen. Danao

Pagkiling ni Sen. Legarda sa kalaban ng estado, nakapagtataka - PLtGen. Danao

National News

Pagkiling ni Sen. Legarda sa kalaban ng estado, nakapagtataka – PLtGen. Danao

Nakapagtataka para kay PLtGen. Vicente Danao Jr. ang pagkiling ni Sen. Loren Legarda sa Communist Party of the Phillippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Giit ni Danao nakakalungkot na marinig na may mga senador na sumusuporta sa mga teroristang komunistang grupong ito.

Ito ay sa kabila aniya ng mga panlilinlang at mga karumaldumal na gawain ng nasabing grupo.

“It’s just surmise me to hear na mayroon tayong isang napakagaling naman sana, idol ko pa naman sana si Senador. Kung talagang nasabi niya iyan, medyo nakakapagtataka nga po kung bakit po siya kikiling diyan. Sabihin na lang natin na ang CPP could be a party, na masasabi nating political party but still kung titingnan po natin talagang clinging naman sa mga makakaliwang Gawain,” ani PLtGen. Vicente Danao Jr. – Commander, Area Police Command – Western Mindanao.

Ayon pa kay Danao na kung titingnan, mismo ang mga makakaliwang grupo ang nangre-redtag na sa kanilang sarili at maski ang kanilang lider na si Joma Sison.

Hamon niya sa mga grupong ito na kung hindi sila kasapi ng CPP-NPA-NDF bakit hindi nila tuligsain ang mga teroristang grupong ito.

“Kung talagang hindi kayo iyan, why would you not denounce. I’m challenging you. Why don’t you denounce the wrongdoings of these people, of all these groups kung talagang hindi kayo iyan. Sige nga,” dagdag pa ni Danao.

Pinuri naman ni Danao si SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa pagtindig nito laban sa makakaliwang grupo.

“Nakita ko nga po yung mga ibang statement ni Pastor Quiboloy for the past few months. Lalong lalo na our Pastor is very really against these CTGs. Kasi mayroon po talaga tayong Pastor na ganiyan ang kaniyang patakaran, ang kaniyang pananaw sa buhay,” giit pa nito.

Matatandaan na sinabi ni Legarda sa kanilang regular session kamakailan na ginagalang niya ang mga taga-CPP dahil sa magandang pananaw nito para sa bayan kahit na hindi ito nakalinya sa adhikain ng karamihan.

Ito ang dahilan kung bakit sinabi nito na hindi dapat tawaging kalaban ang CPP.

More in National News

Latest News

To Top