National News
Pagkuha ng maraming forensic pathologist sa PNP at NBI, ipinanawagan
Ipinanawagan ng isang mambabatas na kumuha ng mas maraming ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) matapos masawi kamakailan ang broadcaster na si Percy Lapid.
Forensic pathologist ang tawag sa medical expert na nage-examine sa bangkay at nag-aaral sa factors ng pagkasawi gaya ng ‘wounds, discoloration, and temperature’ para malaman ang oras, dahilan at ang paraan sa pagkamatay ng isang tao.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Alfred Delos Santos, ‘crucial’ ang role ng mga forensic pathologist sa agarang pagresolba sa mga kasong kriminal.
Subalit sa kasamaang palad ayon kay Delos Santos na kinatawan din ng ang Probinsyano Partylist sa kongreso, dalawa lamang ang forensic pathologist sa buong bansa.
Bilang solusyon, ipinanawagan ni Rep. Delos Santos ang agarang pagpasa sa ‘House Bill 5129 or the Forensic Pathologist Scholarship Act’ para dumami ang forensic pathologist.
Sa ilalim nito, libre ang mga estudyante sa pagbabayad ng medical licensure review examinations expenses, specialization expenses ngunit may qualifications of scholars at may return of service conditions ang programa na hahawakan ng CHED.
“It is my hope that through the passage of this bill, victims and their loved ones will no longer have to endure the cruelty of waiting months, if not years, to find justice,” giit ng mambabatas.