Connect with us

Pagkuha sa mga unpaid salaries ng mga OFW sa Saudi, pinamamadali – DOLE

Transportation and accommodation assistance ng OWWA para sa returning OFWs, isususpinde na

National News

Pagkuha sa mga unpaid salaries ng mga OFW sa Saudi, pinamamadali – DOLE

Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagbuo ng technical working group (TWG) para mapabilis ang pagkuha ng mga Overseas Filipino Workers (OFWS) ng kanilang unpaid salaries mula sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kung saan napilitan nga ang mga ito na umuwi sa bansa kahit hindi pa nila nakuha ang kanilang mga suweldo at mga benepisyo.

Ipinag-utos din ni Bello na isama ang mga kinatawan ng OFW sa grupo na makikipagpulong sa counterpart nito na si Labor Minister Ahmed Al-Rajhi mula sa KSA upang mapabilis ang pagproseso ng mga claim ng may 9,000 OFWs.

Ayon pa sa kalihim, magtatayo ang kagawaran ng isang technical working group na bubuo ng mga makabuluhang ahensya ng DOLE, tulad ng labor office sa KSA, OWWA, POEA, gayundin ng mga kinatawan mula sa grupo ng mga manggagawa ng KSA, upang matukoy ang lahat ng detalyeng nauugnay sa pagpapalabas ng full settlement.

“The department will set up a technical working group which will comprise significant DOLE agencies, such as the labor office in KSA, OWWA, POEA, as well as representatives from the KSA workers’ group, to determine all details relevant to the release of the full settlement,”. – Sec. Silvestre Bello III, DOLE.

Ang marching order ay ginawa matapos ang naging matagumpay na usapan sa pagitan ni Sec.Bello at ni Al-Rajhi sa panahon ng Abu Dhabi dialogue na ginawa sa Dubai, UAE  nitong nakaraang linggo.

Ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) at ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga nangungunang ahensya ng DOLE sa pagprotekta sa mga distressed OFWs sa buong mundo.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, lahat ng mga detalye, tulad ng eligibility, distribution mechanism, at documentary requirements, ay isasapinal sa pamamagitan ng TWG at dapat maging handa bago ang nakatakdang pagbisita ng KSA Labor Minister sa Disyembre ngayong taon.

Ang mga dating manggagawa ng KSA ay dumalo sa pagpupulong, kasama ang 20 pang OFW na dumalo sa pamamagitan ng zoom platform.

Nagpasalamat naman ang mga naturang OFW sa aktibong pagtatrabaho ni Bello sa kanilang kaso mula nang manumpa ang kalihim noong 2016 sa ilalim ng Duterte administration.

Matatandaan bago ang Abu Dhabi dialogue sa UAE  nga  ay una nang inimbitahan ni Kingdom of Saudi Arabia Labor Minister Al-Rajhi si Bello para sa isang private meeting para talakayin ang nasabing unpaid salaries.

Ipinangako ng KSA Labor Minister na ngayong disyembre ay babayaran ang halagang P4.6 bilyon piso sa panahon ng kanyang pagbisita sa bansa.

Una na ring sinabi ni OWWA Administrator Atty.Hans Leo Cacdac na magkakaroon pa ng serye ng meeting sa pagitan ng mga kinatawan ng KSA at Pilipinas para linawin ang implementasyon ng pagbabayad ng mga naturang unpaid salaries ng mga OFW.

More in National News

Latest News

To Top