Connect with us

Pagkumpleto ng IRR ng New Agrarian Emancipation Act, ‘best birthday gift’ na natanggap ni PBBM

Pagkumpleto ng IRR ng New Agrarian Emancipation Act, ‘best birthday gift’ na natanggap ni PBBM

National News

Pagkumpleto ng IRR ng New Agrarian Emancipation Act, ‘best birthday gift’ na natanggap ni PBBM

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinakamagandang regalo na natanggap niya sa kanyang ika-66 na kaarawan ang pagkumpleto ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng New Agrarian Emancipation Act (NAEA).

Inihayag ito ni Pangulong Marcos Jr., isang araw bago ang kaarawan nito kung saan iprinisenta ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng New Agrarian Emancipation Act o Republic Act No. 11953.

“At ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat, sa lahat ng kasama natin upang mabuo natin ang IRR ng New Emancipation Law. On a personal note, nagpapasalamat ako ito na yata ang pinakamagandang birthday gift na natanggap ko sa buong buhay ko,” ayon kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr.

Kasabay ng presentasyon ng IRR, ay nilagdaan din ng pangulo ang executive order para sa extension ng moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga agrarian reform beneficiaries.

Kaugnay dito, binigyang-diin ni PBBM, na siya ring kalihim ng Department of Agriculture (DA), na ang pagtitiyak sa kapakanan ng mga Pilipinong magsasaka, at pagdarasal na protektahan ang kanilang mga pananim at masaganang ani ay lagi niyang hiling.

Birthday wish ni Pangulong Marcos, mas mapabuti ang agriculture sector at magkaroon ng magandang panahon para sa ikakapakinabang ng mga Pilipinong magsasaka.

“Maging maayos na ang agrikultura at malaman na natin kung ano ba talaga ang weather. Wet season ba o dry season? Para naman matulungan natin ‘yung mga farmer natin. Iyon lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon,” dagdag pa ng pangulo.

Muling ipinagtibay ni Pangulong Marcos Jr. ang layunin ng kanyang administrasyon na suportahan ang mga Pilipinong magsasaka at tugunan ang kanilang pangagailangan para sa mas masiglang lokal na produksyon.

Nagpaabot din ng pasasalamat si PBBM sa DAR at nanawagan muli sa whole-of-nation approach sa pagkamit ng matatag na sektor ng agrikultura sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top