Connect with us

Paglabag ng China sa Anti-Wiretapping Law, sinisilip na ng DND

Paglabag ng China sa Anti-Wiretapping Law, sinisilip na ng DND

National News

Paglabag ng China sa Anti-Wiretapping Law, sinisilip na ng DND

Naniniwala si Defense Secretary Gilberto Teodoro na mayroong nilabag ang China sa tahasang pagrecord ng isang pribadong pag-uusap sa pagitan nila at ng umanoy military official kaugnay sa isang kasunduan sa West Philippine Sea (WPS).

ito ay kung may katotohanan aniya ang ipinakakalat ng China na nakipagsundo sila sa ilang Armed Forces of the Philippines (AFP) official para sa isang new model o bagong modelo kung papaano pangangasiwaan ang Ayungin Shoal.

Bagay na ayon kay Teodoro ay isang paglabag sa batas ng Pilipinas dahil sa hindi nito pagdaan sa mga kinauukulang ahensya gaya ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kaya naman, sinabi ni Teodoro na ipinauubaya na nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtukoy sa kung sino ang nasa likod ng posibleng “wiretapping” at papanagutin sa ilalim ng mga umiiral na batas.

Kaugnay rito, agad na tiniyak ng Department of National Defense (DND) na gumagawa sila ng kaukulang hakbang upang protektahan ang kanilang hanay, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang sambayanang Pilipino.

Sinabi ni Teodoro na paiigtingin pa nila ang kanilang operational security measures para labanan ang mga maling gawain ng China.

More in National News

Latest News

To Top