Connect with us

Paglabas ng usok sa main crater ng Bulkang Taal, bahagyang lumakas

PHIVOLCS

Regional

Paglabas ng usok sa main crater ng Bulkang Taal, bahagyang lumakas

Bahagyang lumakas ang pagbuga ng usok ng sa nakalipas na magdamag.

Sa 8am bulletin ng PHIVOLCS, naitala ang nasa 200 hanggang 300 meters ang taas ng inilabas na usok ng bulkan.

Maliban dito, nagpapatuloy rin hanggang ngayon ang weak steaming sa fissure vent sa bahagi ng daang kastila trail.

Gayunman, mas mababa pa rin sa instrumental detection ang inilabas nitong sulfur dioxide.

Nakapagtala naman ng 118 volcanic earthquakes ang Taal kabilang ang limang frequency events at isang harmonic tremor na tumagal ng hindi bababa sa tatlong minuto.

Sa ngayon, nananatili pa ring na sa alert level 3 ang bulkan na ang ibigsabihin ay posible pa rin ang malaking pagsabog, volcanic earthquakes, ashfall at lethal gas expulsions.

PHIVOLCS Feb. 7 Advisory

More in Regional

Latest News

To Top