Connect with us

Paglabas ni Alice Guo sa bansa, ligal– Atty. Panelo

alice-guo-naareto-na-sa-indonesia

National News

Paglabas ni Alice Guo sa bansa, ligal– Atty. Panelo

Sinabi na ng Bureau of Immigration (BI) na iligal ang paglabas sa bansa ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo base sa intelligence report na kanilang nakuha.

Subalit para kay dating Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, hindi iligal ang pag-alis ng dating alkalde.

 

Ani Panelo, “Sinasabi nila na iligal daw na nakalabas. Eh, paano magiging iligal, eh, mayroong passport? Mayroong rekord sa- diyan sa Immigration sa airport na nakalabas- ‘di ibig sabihing iligal na nakalabas ‘yan. ‘Yan ay tinulungan siguro nung mga nagsimpatiya sa kanya- whether binayaran o hindi- the fact is legal ang paglabas niya dahil recorded eh.”

 

Matatandaang simula pa lang noon ng pag-iimbestiga kay Guo ay binanggit na ni Atty. Panelo na darating ang panahon at hindi na rin magpapakita ang mayora. “Sabi ko, ‘yung si Alice Guo, magiging Alis Gone ‘yan—gone kasi nga, ang feeling niya ay wala pang kaso sa kanya, tina-trial na by publicity siya. Hiniya na siya ng isang senadora diyan at ng isa pang senador.”

 

Dagdag pa nito, “Walang kalaban-laban, eh. Talagang napamukha at nailarawan na guilty na guilty na kaagad kaya sabi natin, hindi tayo magtataka kung hindi ito susuko. Pareho ‘yan ng ginawa ni (Gerald) Bantag, (Arnie) Teves, at ni Pastor (Apollo) Quiboloy. O, ‘yun na nga ang nangyari.”

 

May payo naman ang abogado hinggil sa mga opisyal ng gobyerno na tila nauubos na ang pasensya kay Guo tulad na lamang ni Risa Hontiveros.

 

“Huwag kang maiinis because ikaw ang dahilan ng pagkawala ni Alice Guo. Eh, kung hindi niyo tri-nial by publicity ‘yan, ‘yung mga paraan ng pagtatanong mo ay talagang hiniya mo, kinalkal mo ang buhay, siniraan. Hindi ‘yan aalis dahil may abogado naman. Mayroon naman silang sinasabing- mayroon silang ebidensya. Eh, ang problema nga, siniraaan niyo nang siniraan eh,” ani Panelo.

 

Samantala, sinusubaybayan na ngayon ng Immigration ang mga galaw ni Guo para matukoy ang mga indibidwal na nasa likod ng paglabas niya ng Pilipinas.

Hindi rin isinasantabi ng BI ang posibilidad na may ilang opisyal ng ahensya na tumulong sa alkalde.

 

 

More in National News

Latest News

To Top