Connect with us

Paglago ng ekonomiya, mas ramdam kung maraming malilikhang trabaho — ekonomista

Paglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino at magandang health care system.Ito ang sinabi ni ekonomistang si Dr. Michael Batu

National News

Paglago ng ekonomiya, mas ramdam kung maraming malilikhang trabaho — ekonomista

Paglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino at magandang health care system.

Ito ang sinabi ni ekonomistang si Dr. Michael Batu upang maramdaman ng publiko ang paglago ng ekonomiya ng bansa noong 2022 na iniulat ni Philippine Statistics Authority (PSA).

“It is the generations of jobs, ‘yun ang kailangan diyan, na makapag-generate ng employment, para sa ating mga kababayan. ‘Di lang basta-basta trabaho ‘yan, kailangan magandang trabaho. Isa pa diyan is kailangan magkaroon din ng health care. Kasi mga kababayan, hindi lang naman income ang pamantayan ng value of life ng mga tao. Nand’yan din ‘yung sapat ba ang health care system natin? So halimbawa kung may nagkasakit ba? Nagkakaroon ba ng sapat na services? Para matugunan ‘yung mga karamdaman ng ating mga kababayan kasi ‘yun ang nakakaapekto na tinatawag na human capital,” ayon sa ekonomistang si Dr. Michael Batu

Idinagdag pa ng ekonomista na dapat umuunlad na rin ang education system ng bansa para maramdaman ang gumagandang lagay ng ekonomiya sa Pilipinas.

Inihayag din ni Batu na sa kasalukuyan ay hindi pa masyadong nararamdaman ng lahat ang paglago ng ekonomiya lalo na sa low-income brackets.

“Mataas ang paglago ng ekonomiya, pero hindi nararamdaman masyado ng mga nasa laylayan ‘yung mga nasa mabababang income brackets. So madaling sabi, ang paggo-grow ng ekonomiya na ‘yan, hindi balance. Kumbaga may mga sektor at mga grupo na mas nakikinabang at mayroong mga sektor na mas nag sa-suffer sa paglago ng ekonomiya. So ang issue sa mga tinatawag nating mga development economies, kung papaano masosolusyonan ‘yan kung papaano, ang tawag natin ‘dyan is ‘yung growth is equitable, kumbaga inclusive ‘yung growth,” ayon kay Dr. Michael Batu

Sa kabilang banda, isang malaking ebidensya na unti-unting nararamdaman ng mga tao ang paglago ng ekonomiya ay ang pagbaba ng poverty rate sa Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top