National News
Paglantad ni Cathy Binag vs Marcos Jr., mahirap pasinungalingan – Atty. Roque
Nagulantang ang lahat sa paglitaw ni Cathy Binag sa publiko.
Sa panayam sa kanya ng vlogger na si Maharlika, pinatotohanan ni Binag ang isyu ng umano’y pagamit ng iligal na droga ni Bongbong Marcos Jr.
Sampung taong, nagkaroon ng relasyon si Binag kay dating Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo—kapwa malapit na kaibigan ni first lady Liza Marcos at ang presidente ngayon.
Para kay law expert na si Atty. Harry Roque, may personal knowledge si Binag sa issue.
“Itong Cathy Binag po kakilala ko ‘yan dahil kasama ko talaga noong 17th Congress ‘yung dati niyang partner na si Congressman Tony Boy Floirendo at siyempre ‘yung mga panahon ngayon ay very close sila ni Speaker Pantaleon Alvarez.”
Kongresista noon si Roque kasabayan ni Floirendo.
Ani Roque, si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang tumukoy kay Marcos Jr. na gumagamit ng cocaine.
Dagdag niya na si Marcos Jr. din ang itinuturo ng witness ni former PDEA Agent Jonathan Morales na nagdo-droga sa isang condo unit sa rockwell Makati.
“Tapos si Maharlika Boldyakera nagpakita ng video ‘yung inaantay ng tao na video. Oh, nagpakita ng video, yung tao naman na pinapakita doon sa video kamukhang-kamukha ni PBBM.”
Kaya ani Roque, mahirap pasinungalingan ang isyu ng illegal drugs ni Marcos Jr. sa paglantad ngayon ni Binag.
Naunang nagsabi ito na inalok umano at tinanggihan nya si First Lady Marcos na gumagamit ng cocaine.
“Star witness, Cathy Binag. Limang beses ko atleast sa sampung taon na ako ay na siya ay nakipag-sama kay Congressman Floirendo, nakita ang PBBM na gumagamit ng ipinagbabawal na droga at pati nga po si First Lady ay nabanggit na ino-offeran siya.”
“Dapat naman pong magsalita na ang Presidente. So ngayon, dapat naman mo mag-salita na ang Presidente. Napaka-hirap pong itanggi, pasinungalingan ang naging kwento ng isang tao na naging malapit sa isa sa pinaka-bespren ng Presidente.”
Bukas naman ang SMNI sa anong magiging tugon ng Office of the President sa isyung binabato ni Binag sa punong ehekutibo at sa unang ginang.
Sa panig ni Binag, nasa 150 USB na naglalaman ng mga ebidensya laban kay Marcos Jr. ang ipinamigay nito sa mga malapit na kakilala.
Bagay na lalabas kapag mayroon dawng masamang mangyari dahil sa pagsiwalat nito sa isyu.