National News
Paglikas sa mga OFW seafarers na apektado ng COVID-19, nagpapatuloy
Patuloy ang isinasagawang paglikas ng pamahalaan sa mga OFW seafarers na naistranded at apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa ibang bansa.
Kaninang umaga nang dumating sa bansa ang nasa 900 Filipino crew members mula Miami, Florida.
Kabilang sa mga ito ang 454 na Pinoy crew ng Norwegian Star at Norwegian Dawn Cruise Ships at ang 446 Filipino seafarers mula sa non-COVID-affected MSC Armonia, Meraviglia, Seaside at Divina Cruise Ships.
Gaya ng mga naunang repatriated seafarers, sasailalim din ang mga ito sa mandatory quarantine bilang precautionary measure bago sila pauwiin sa kani-kanilang mga bahay.