Connect with us

Paglikha ng higit 4-K posisyon para sa programa ng DSWD laban sa kahirapan, inaprubahan ng DBM

Paglikha ng higit 4-K posisyon para sa programa ng DSWD laban sa kahirapan, inaprubahan ng DBM

National News

Paglikha ng higit 4-K posisyon para sa programa ng DSWD laban sa kahirapan, inaprubahan ng DBM

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng mahigit 4,265 Project Development Officer II (PDO II) contractual positions para sa iba’t ibang field offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin nitong suportahan ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na layong ibsan ang kahirapan sa bansa.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, sa hakbang na ito, nakalilikha rin ng mga oportunidad sa trabaho, na sa ilang paraan ay nakatutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya.

Nilikha ang mga contractual PDO position upang dagdagan ang kasalukuyang staff ng DSWD para pangasiwaan ang kanilang workload nang mas mahusay.

Naglalayon naman ito na magkaroon ng caseload na isang manager para sa bawat 300 na sambahayan.

Ang pondo para sa paglikha ng naturang mahigit 4-K PDO II contractual positions ay huhugutin mula sa available allotment ng DSWD.

Kapag kulang naman, ay kukunin ang kinakailangang pondo mula sa available appropriations sa FY 2024 General Appropriations Act (GAA).

More in National News

Latest News

To Top