Connect with us

Pagpalit sa 3 sundalong may sakit sa BRP Sierra Madre, ‘di nagka-problema – Sen. Tolentino

Pagpalit sa 3 sundalong may sakit sa BRP Sierra Madre, 'di nagka-problema – Sen. Tolentino

National News

Pagpalit sa 3 sundalong may sakit sa BRP Sierra Madre, ‘di nagka-problema – Sen. Tolentino

Walang nangyaring tensyon sa pagpapalit ng 3 sundalong may sakit sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal.

Sinabi ni Sen. Francis Tolentino naging matagumpay ang isinagawang pagkuha sa mga maysakit at pagpapalit sa mga ito.

“Nagkaroon ng pagsasalin sa kalagitnaan ng dagat. Kinuha sila tapos pinalitan ng apat kasi maysakit nga ang tatlo para ipagamot. At yung mga gamit na medikal at saka ‘yung pagkain supply nung bagong kapalit eh successfully naman na naisakatuparan.”

Dagdag pa ni Tolentino, may mga nakapaligid na barko ng ibang bansa ngunit walang nangyaring pambobomba ng tubig at banggaan.

Kaugnay nito, naniniwala si Tolentino na pwede naman palang maisagawa ang ganitong bagay ng matiwasay.

Samantala, tumanggi namang sumagot si Sen. Tolentino sa “polite invitation” ng Senado sa Chinese Embassy officials para sa imbestigasyon hinggil sa umano’y paglabag ng China sa anti-wiretapping law kaugnay ng umano’y “new model” agreement.

“Hindi ko masagot kasi hindi namin napag-usapan ni Sen. Jinggoy because of the frenzy of events unfolded yesterday.”

Magugunita na noong May 7 nang ilabas ng China ang transcript ng umano’y phone conversation ng Chinese officials at ni Vice Admiral Alberto Carlos ng Armed Forces of the Philippines – Western Mindanao Command (AFP-WESMINCOM) noong January 3 hinggil sa umano’y bagong kasunduan sa Ayungin Shoal.

More in National News

Latest News

To Top