Connect with us

Pagpanaw ng kauna-unahang babaeng piloto at heneral, ipinagluluksa ng Air Force

Pagpanaw ng kauna-unahang babaeng piloto at heneral, ipinagluluksa ng Air Force

National News

Pagpanaw ng kauna-unahang babaeng piloto at heneral, ipinagluluksa ng Air Force

Nagluluksa ang Philippine Air Force (PAF) sa pagpanaw ni retired Brigadier General Maxima “Emma” Oximoso Ignacio, ang kauna-unahang babaeng piloto at heneral.

Si Ignacio ay miyembro ng Officer Candidate School Class 1990 at sumali sa Philippine Air Force Flying School bilang isa sa mga unang babaeng aviation student.

Natapos niya ang Flying School noong 1993 at kalaunan ay naging unang babaeng piloto ng 220th Airlift Wing na nagpapalipad sa F-27 Fokker aircraft.

Kinilala rin si Ignacio ng Metrobank Foundation, Incorporate at Rotary Club of Makati Metro bilang isa sa The Outstanding Philippine Soldiers (TOPS) noong 2015.

Bago ang kanyang pagreretiro noong Abril, hinawakan niya ang posisyon na Adjutant General ng AFP.

More in National News

Latest News

To Top