Connect with us

Pagpapa-drug test ni PBBM, sigaw ng mga raliyista sa Senado

Pagpapa-drug test ni PBBM, sigaw ng mga raliyista sa Senado

National News

Pagpapa-drug test ni PBBM, sigaw ng mga raliyista sa Senado

Nagsasagawa ngayon ng rally ang mga diskuntentong mamamayan sa harap ng Senado.

Kasabay ito sa nagpapatuloy na pagdinig ngayong araw, ika-7 ng Mayo sa kontrobersyal na leaked document ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang tinutukoy na PDEA leaks ay isang pre-operation report kung saan makikita dito na naging target ng isang 2012 anti-drug operation ang nooy senador at ngayoy Pangulong Bongbong Marcos.

Kasama pa umano dito ni PBBM ang aktres na si Maricel Soriano ayon sa patotoo ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales na siyang pumirma ng pre-operation report.

Subalit para sa kasalukuyang nasa PDEA, sinabi nito na wala sa kanilang database ang kumakalat sa social media na leaked document.

Hamon naman ng mga nagsaggawa ng rally, sumailalim ang pangulo sa drug test upang mapatunayan kung totoo nga ba o hindi ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Sa isang programa sa SMNI ay hinikayat rin ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang administrasyon na resolbahin na ang isyu ng pagkadawit ni PBBM sa iligal na droga.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top