Connect with us

Pagpapa-ospital sa Sultan Kudarat, libre para sa mga residente at taga labas ng probinsya

Pagpapa-ospital sa Sultan Kudarat, libre para sa mga residente at taga labas ng probinsya

Regional

Pagpapa-ospital sa Sultan Kudarat, libre para sa mga residente at taga labas ng probinsya

Sa unang tingin, mala Muslim inspired hotel ang gusaling ito lalo na sa malayuan.

Ngunit, ito pala ang bagong provincial hospital ng Sultan Kudarat.

Ang opsital ay isang level 2 accredited facility na kayang magsagawa ng major operations.

Ayon sa management, prayoridad ng provincial government ang programang pangkalusugan.

“Actually, ang ating provincial government ay gustong mag-excel talaga kahit sa mga structure natin,” ayon kay Medical Center Chief, OIC, Dr. Rex Lamprea.

Mahigit sa 300 ang kama dito para sa mga pasyente.

Ayon kay Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, libre ang pagpapa-ospital sa Sultan Kudarat.

“Ibig sabihin po nito ang professional fee ng ating mga doktor, ang mga medisina at ng inyong natatanggap na mga medical services ay 100% libre dito sa Sultan Kudarat Provincial Hospital,” sa pahayag naman ni Province of Sultan Kudarat, Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu.

Ang matindi, kahit mga taga labas ng probinsya ay libre din.

Naging posible ito sa zero-billing policy ng probinsya.

“Taga Sultan Kudarat man kayo o taga labas, wala pong problema. Wala po kayong babayaran. Kapag kayo po ay nagkasakit, kahit kayo po ay outpatient lamang po dito wala pong babayaran. Kasi ang aming pamumuno dito ay dapat maibigay natin sa ating mga kababayan ang lahat lahat ng kaya nating ibigay,” dagdag pa nito.

Malaking budget ng provincial government ay napupunta sa health programs kaya may ganito silang programa.

Kaya state of the art ang mga pasilidad dito.

May private rooms din na bubuksan para sa mga pasyente.

Ayon naman kay Gov. Mangudadatu, handa na para sa medical tourism ang kanilang lugar.

Ito rin ang sinabi niya sa pagbisita kamakailan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa Sultan Kudarat.

“Actually, our hospital is a level 2 hospital and by next year we’ll be applying for a third-level accreditation. So ibig sabihin pag nag-level 2 ka, meron tayong surgery, major surgeries like laparoscopic surgery, x-lab, lahat po ng surgery ay nandito na sa atin except na lang po yung neurosurgery,” dagdag pa ni Dr. Rex Lamprea.

“We are very happy na nakita niya that this hospital is really for medical tourism. There are many equipment na meron na po tayo dito na wala sa ibang hospital. And I’m happy to announce that we will be having our own MRI, PET Scan, meron po tayong 128 slides ng CT scan at marami pang iba. And as of now, our directive is still remain. Yan po ay libre pa rin sa ating mga kababayan,” dagdag naman ni Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu.

 

 

More in Regional

Latest News

To Top