Connect with us

Pagpapaaresto kay FPRRD, bunga ng “group effort” ng pamahalaan — Remulla

Pagpapaaresto kay FPRRD, bunga ng "group effort" ng pamahalaan — Remulla

National News

Pagpapaaresto kay FPRRD, bunga ng “group effort” ng pamahalaan — Remulla

Kinumpirma mismo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na resulta ng kanilang group effort ang pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa poder ng International Criminal Court (ICC).

Sa isang panayam kay Remulla, sinabi nito na hindi lang siya ang nagplano kundi kasama sina National Security Adviser Secretary Eduardo Ano, Defense Secretary Gilberto Teodoro at Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa katunayan, ani siya, sa Hong Kong pa lang kung saan dumalo si dating Pangulong Duterte sa inorganisang pagtitipon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) para sa kanya, mayroon nang mga direktang impormasyon silang nakukuha sa galaw ng dating Pangulo.

Bukod sa pag-amin hinggil sa pagpaplano, kinumpirma rin ni Remulla na mismong ang tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang humanap ng paraan sa eroplano ng pagsasakyan ni Duterte patungong The Hague, Netherlands.

Ayon sa legal counsels ni Duterte, maraming nilabag na batas ang mga awtoridad ng pamahalaan at mismong administrasyon sa pagsuko nito sa dating Pangulo na katumbas ng pagsuko sa soberaniya ng Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan.

Hindi rin anila nasunod ang tamang proseso sa pag-aresto kay Duterte sa legal na usapin pero iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos na naaayon sa batas ang kanilang ginawa sa dating presidente.

Naharap sa kasong crimes against humanity si dating Pangulong Duterte kaugnay sa drug war campaign nito noong nanunungkulan pa siya bilang Pangulo ng bansa dahil sa malawakang problema ng ilegal na droga sa Pilipinas.

Sa kabilang banda, mula sa 30K biktima umano ng Extra Judicial Killing (EJK), lumabas na 43 lamang na mga biktima ang inihabla laban sa dating Pangulo.

More in National News

Latest News

To Top