National News
Pagpapabakuna ni Pang. Duterte, nagpapakitang ligtas ang COVID-19 Vaccine
WELCOME development para sa MKG Universal Drug Trading Corporation ang pagpapabakuna ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi gamit ang Sinopharm vaccine.
Ang MKG ang natatanging local distributor na binigyan ng awtoridad ng Chinese government na mamahagi ng nasabing bakuna.
Sinabi rin ni Atty. Mark Tolentino, President & CEO, MKG Universal Drug Trading Corp. na ang symbolic na pagpapabakuna ng Pangulo gamit ang Sinopharm ay nagpapakita lamang na ligtas ang bakuna sa mga senior citizen.
Samantala, nilinaw ni Tolentino na hindi smuggled vaccine ang tinurok sa presidente.
Depensa ito ni Tolentino sa mga naninira sa Pangulo at baka iugnay ang pagpapaturok nito sa pagpapabakuna noon ng mga taga PSG.
Naging isyu noon ang umano’y smuggled na Sinopharm vaccine na itinurok sa mga miyembro ng PSG.
Samantala, patuloy ngayon ang proseso sa pag-apply ng Emergency Use Authorization o EUA.