Connect with us

Pagpapahintulot ng foreigners sa PhilHealth, kinuwestiyon ni Zubiri

Pagpapahintulot ng foreigners sa PhilHealth, kinuwestiyon ni Zubiri

National News

Pagpapahintulot ng foreigners sa PhilHealth, kinuwestiyon ni Zubiri

Kinuwestyon ni Senate President Migz Zubiri ang pagpapahintulot ng foreign nationals na makasama o maka-avail sa PhilHealth program.

Ayon kay Zubiri sa naging plenary deliberations sa Senado ng 2024 proposed budget ng Department of Labor and Employment (DOLE), hindi makakakuha ng libreng health care ang isang foreigner maliban na lang kung isa na itong permanent resident ng isang bansa.

Lalo pa aniya at hindi ito nagbabayad ng tax sa Pilipinas.

Kung sisilipin, sa ilalim ng memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan noong 2015 sa pagitan ng PhilHealth at Philippine Retirement Authority (PRA), ang mga kwalipikadong foreign retirees na nakarehistro sa PRA maging ang dating Filipino nationals ay maaaring mag-enroll sa medical care services ng Pilipinas bilang informal economy member.

Ang mga interesadong foreign retiree ay kinakailangang magsumite ng PhilHealth member registration form for foreign nationals sa PRA head office at maging sa satellite offices nito.

Kinakailangan sa kanilang enrollment ang isang Special Resident Retiree’s Visa at ang permanent residency status batay sa section 9 ng Executive Order No. 1037.

More in National News

Latest News

To Top