Connect with us

Pagpapaigting ng ugnayan ng national gov’t sa brgy level vs iligal na droga, nagustuhan ni Pastor Quiboloy

Pabor si Pastor Apollo C. Quiboloy, honorary chairman ng SMNI kasunod ng panukalang gawing katuwang ng pamahalaan ang lahat ng brgy. sa bansa

National News

Pagpapaigting ng ugnayan ng national gov’t sa brgy level vs iligal na droga, nagustuhan ni Pastor Quiboloy

Pabor si Pastor Apollo C. Quiboloy, honorary chairman ng SMNI kasunod ng panukalang gawing katuwang ng pamahalaan ang lahat ng barangay sa bansa para sugpuin ang problema ng iligal na droga.

Sa pangunguna ni Department of Interior and Local Govt (DILG) Secretary Benhur Abalos, iminungkahi nito ang pakikipag-ugnayan ng national government sa mga pinakamaliliit na komunidad sa bansa na huwag matakot na magsumbong at agad na ipagbigay alam ang mga iregularidad na nangyayari sa bawat lugar lalo na sa malawak na aktibidad ng ipinagbabawal na gamot.

Naniniwala ang butihing pastor na sa likod ng matapang na programa ng alinmang pamahalaan para labanan ang iligal na droga kung hindi makikipag isa ang publiko, mababalewala lamang aniya ito at mananaig ang kasamaan sa bansa. Bagay na hindi aiya dapat na mangyari ito.

Samantala, sang-ayon din si Pastor Apollo sa bagong mandato ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapalakas ng ugnayan ng ahensya sa mga lider ng simbahan at iba pang pribadong religious sectors para makatulong sa mabilis na rehabilitasyon ng mga indibidwal na apektado nng ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim ng bagong upong PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kinikilala nito ang impluwensiya ng simbahan sa mga taong nalilihis ng landas tungo sa daan ng pagbabagong buhay

Giit ni Pastor Apollo, hindi ito malayo sa mga ginagawa ng Kingdom of Jesus Christ na maging bahagi ang mga kabataan sa mga humanitarian efforts nito para maiwaksi ang mga bisyo at masasamang kaugalian hanggang tuluyan mailapit ito sa Panginoon.

More in National News

Latest News

To Top