Connect with us

Pagpapaimbestiga sa Duterte Cabinet members, may kinalaman sa 2025 elections – eksperto

Pagpapaimbestiga sa Duterte Cabinet members, may kinalaman sa 2025 elections – eksperto

National News

Pagpapaimbestiga sa Duterte Cabinet members, may kinalaman sa 2025 elections – eksperto

Gumulong na kamakailan ang imbestigasyon ng Kamara sa isyu ng umano’y secret deal ng Duterte administration sa China sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Kabilang sa mga dumalo ay sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea, dating Defense Secretary Delfin Lorenzana at former National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Ngunit para sa Foreign Policy & Security Analyst na si Professor Lucio Blanco Pitlo, hindi pang-karaniwan ang ipinatawag na imbestigasyon lalo na’t isyu ito ng foreign policy.

At ang dahilan kung bakit inuungkat ng Marcos government ang mga hakbang ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China?

Ayon kay Foreign Policy & Security Analyst Lucio Blanco Pitlo III “Parte na rin siguro kasi paparating ang mid-term elections next year at alam naman natin yung political feud narin sa pagitan ng Marcos at Duterte.”

Nang pumalit si Duterte kay Dating Pangulong Noynoy Aquino, walang imbestigasyong ginawa hinggil sa foreign policy ng mga Aquino.

Pero, dahil nga tila may showdown ngayon ang mga Duterte at Marcos, saad ni Pitlo na pati foreign policy ng bansa ay damay.

“Kasi iba ang polisiya ng nakaraang Duterte administration kumpara sa current Marcos Government patungkol dito sa West Philippine Sea at yung patakaran pagdating sa Tsina.”

Wala namang nakikitang masama si Pitlo na ginawa ng Duterte government para pahupain ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Bagay na dapat isaalang-alang ng mga nakaupo sa Malacanang.

“Dahil tayo ay isang bansa, isa tayong pamahalaan, dapat rin siguro nating isa-alang-alang na yung kumbaga tayo as an actor dapat may sense of continuity.”

Sa kasalukuyan, mayorya ng mga programa sa pamahalaan na may kaugnayan sa mga Duterte ay pinapalitan o hininto.

Bahagi ng branding ng bawat administrasyon.

Pero sana raw ani Pitlo, magkaroon ng pangmatagalang polisiya sa panglabas na anyo ng ating pamahalaan.

Bagay na susundan at pagiibayuhin na lamang ng mga susunod na maluluklok palasyo ng Malacanang.

“Siguro dapat din nating ingatan ang atin credibility, reputation kumbaga as an actor that keep its swore.”

More in National News

Latest News

To Top