Connect with us

Pagpapainit ng tensyon sa WPS para matabunan ang isyu ng PDEA Leaks, chismis lang – WPS spox

Pagpapainit ng tensyon sa WPS para matabunan ang isyu ng PDEA Leaks, chismis lang – WPS spox

National News

Pagpapainit ng tensyon sa WPS para matabunan ang isyu ng PDEA Leaks, chismis lang – WPS spox

Ininspeksyon at nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng damage assessment sa 44-meter multi-role response vessel na BRP Bagacay (MRRV-4410) matapos itong masira dahil sa panibagong water cannon incident ng China nitong April 30, sa Bajo de Masinloc.

Base sa kanilang assessment, nasira ang port railings, LED screen display, at steel canopy ng naturang barko at tinatayang aabot sa P2-M ang halaga.

Ang patuloy na girian sa mga pinag-aagawang teritoryo ay hindi na bago sa mga Pilipino.

Sa katunayan ilan sa ating mga kababayan ay tila nawalan na nga ng gana sa paawa effect ng gobyerno sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Kaya naman para sa dating tagapagsalita ng palasyo na si Atty. Harry Roque, posible aniyang nawalan na ng gana ang mga Pilipino na pansinin ang naturang usapin dahil itoy paulit-ulit nalang na nangyayari.

“Well posible ang sinasabi mo na ‘yung paawa effect ay mawawalan ng epekto kasi sanay na silang makita na wina-water cannon tayo,” ayon kay former Palace Spokesperson, Atty Harry Roque.

Kaugnay nito sinabi ni Atty. Roque ang nasabing isyu sa WPS ay ginagawa lang na pangtapal ng kasalukuyang administrasyon sa mga tunay na isyu na kinakaharap ng bansa kagaya na lamang ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing produkto at ang umanoy paggamit ng iligal na droga ni Pangulong Bongbong Marcos.

“So, ginagamit nila talaga itong isyu ng China para lihisin ang isyu kaya nga delikado kasi nga baka mamaya ikaladkad nga tayo sa giyera para pang ilihis ang isyu sa mataas na presyo ng bilihin at ang paggamit ng droga,” dagdag pa nito.

Ngunit para kay Commodore Roy Vincent Trinidad tagapagsalita ng Philippine Navy (PN) for WPS hindi totoo na sinasadyang painitin ang tensyon sa West Philippine Sea para lang pagtakpan ang mga akusasyong ibinabato laban kay Marcos Jr.

Aniya ito ay “marites warfare” o chismis lamang.

“’Yan ay kasama sa marites warfare ng kabila wag tayong sumakay ‘dun,” ayon naman kay Spokesperson for West Philippine Sea, PN, Comm Roy Vincent Trinidad.

Sa huli, sinabi ni Trinidad na hindi ito laban ng US at ng China kundi ng bawat Pilipino.

“Alam mo ang labanang ito hindi naman ito laban ng US at China eh na tayo ay nadamay lamang, ito ay labanan ng Pilipino ipinaglalaban natin ang interes ng bawat Pilipino ng ating bansa,” ani Trinidad.

More in National News

Latest News

To Top