Connect with us

Pagpapalabas ng resulta sa 2nd autopsy sa bangkay ng middleman, ipinagpaliban

Pagpapalabas ng resulta sa 2nd autopsy sa bangkay ng middleman, ipinagpaliban

National News

Pagpapalabas ng resulta sa 2nd autopsy sa bangkay ng middleman, ipinagpaliban

Humirit pa ng isang araw si Forensic Expert Dr. Raquel Fortun kay Justice Sec. Boying Remulla bago maipalabas ang resulta ng full 2nd autopsy report sa bangkay ng middleman sa Percy Lapid slay.

Ito ang ipinaalam ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano sa isang media interview ngayong umaga ng Biyernes, ika-28 ng Oktubre.

Matatandaan na sa unang anunsyo ni Justice Sec. Remulla kahapon, ngayong araw ng Biyernes lalabas ang second autopsy report pero dahil sa kahilingan ni Fortun ay bukas, araw ng Sabado na lamang maipapalabas ang resulta nito.

Ang second at independent autopsy sa bangkay ng middleman ay hiniling ng Mabasa Family sa DOJ.

Hindi kasi sila kumbinsido sa initial autopsy report na lumabas mula sa NBI kung saan sa naturang autopsiya lumabas na walang senyales na nagkaroon ng external physical injuries ang middleman.

Pinagbigyan ng ahensya ang Mabasa family para magkaroon ng transparent at patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng middleman.

Si Remulla naman ang nakiusap kay Dr. Fortun para isagawa ang pangalawang autopsiya.

More in National News

Latest News

To Top