Connect with us

Pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Japan, tinalakay ng mga opisyal ng 2 bansa

Pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Japan, tinalakay ng mga opisyal ng 2 bansa

National News

Pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Japan, tinalakay ng mga opisyal ng 2 bansa

Nag-courtesy call sina Japan Parliamentary Vice Minister of Defense Tsuyohito Iwamoto at Japanese Ambassador to the Philippines Kosikawa Kazuhiko sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Mainit silang sinalubong ni AFP chief of staff General Andres Centino kung saan isang maikling pulong ang naganap sa pagitan ng mga opisyal.

No description available.

COURTESY: AFP PAO

Ayon kay Centino, nakatuon ang nasabing pulong sa pagsusulong ng bilateral engagements sa pagitan ng Pilipinas at Japan na naka-angkla sa umiiral na defense cooperation agreements.

Natalakay din ang kontribusyon ng dalawang bansa sa isang maunlad na rehiyon, na naglalayong itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran at palakasin ang democratic resilience.

Samantala, pinasalamatan ni Centino ang tulong ng Japan sa Air Surveillance Radar System Acquisition Project sa ilalim ng AFP Modernization Program.

 

More in National News

Latest News

To Top