Connect with us

Pagpapalakas sa DRRM, ipinag-utos ng OCD sa mga Regional Office

Pagpapalakas sa DRRM, ipinag-utos ng OCD sa mga Regional Office

National News

Pagpapalakas sa DRRM, ipinag-utos ng OCD sa mga Regional Office

Ipinag-utos ng Office of Civil Defense (OCD) sa mga Regional Office nito na palakasin ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) engagement gayundin ang partnership nito sa kanilang mga stakeholder.

Ayon kay OCD Administrator USEC Ariel Nepomuceno, layunin nito na matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga hakbang na nakatuon sa pagtugon sa tuwing panahon ng sakuna.

Sinabi ni Nepomuceno na mahalaga ang mga kasunduan sa ibat-ibang sektor upang maihanda ang gagawin sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad partikular na ang lindol.

Pinulong na rin ni  Nepomuceno ang Philippine Institute of Civil Engineer (PICE) at Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP) upang maghanap ng iba pang mga paraan upang mapalakas pa ang kahandaan sa lindol gayundin sa iba pang kalamidad.

More in National News

Latest News

To Top