Connect with us

Pagpapalawig ng PUV consolidation, hindi nakatutulong – Sen. Imee

Pagpapalawig ng PUV consolidation, hindi nakatutulong – Sen. Imee

National News

Pagpapalawig ng PUV consolidation, hindi nakatutulong – Sen. Imee

Hindi parin naresolba ang mga hinaing ng public utility vehicle (PUV) drivers at operators kahit pinalawig na ang franchise consolidation kaugnay sa PUV modernization.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, ang pagkakaroon ng agarang consultation process kasama ang lahat na stakeholders ang pinaka-susi nito.

Walang ambag aniya ang pagpapalawig ng franchise consolidation para matugunan ang mga isyu dahil kahit may palugit o wala, hindi parin mapipilit ang mga driver na sumali kung hindi naisaayos ang pagbili ng sasakyan.

Hindi rin aniya malaman kung sino ang sasagot kapag hindi nakapagbayad ng utang.

Sa anunsyo, hindi na ma-extend pa ang April 30 deadline na itinakda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. hinggil sa franchise consolidation.

Kung hindi makasali ang isang operator o driver sa consolidation ay hindi na sila makakabiyahe pa.

More in National News

Latest News

To Top