Connect with us

Pagpapalit ng pananim, inirekumenda sa mga magsasaka sa Ilocos Norte

Pagpapalit ng pananim, inirekumenda sa mga magsasaka sa Ilocos Norte

Regional

Pagpapalit ng pananim, inirekumenda sa mga magsasaka sa Ilocos Norte

Pagpapalit ng pananim, inirekumenda sa mga magsasaka sa Ilocos Norte.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ang mga rice farmers na iba-ibahin ang kanilang mga pananim upang malabanan ang masamang dulot ng Rice Tarrification Law.

Sa kalagitnaan ng Harvest Festival sa 10-hectare hybrid model farm sa Barangay 61 Catablan sa Laoag City, Ilocos Norte, sinabi ni Provincial Agriculturist Norma Lagmay na patuloy pa ring nangunguna ang nasabing probinsya bilang isa sa mga top 12 rice-producing provinces sa bansa.

Ngunit aniya ay panahon na upang baguhin ng mga magsasaka ang kanilang istratehiya upang hindi na lamang ang pagsasaka ng bigas ang kanilang aasahan na pagkukuhaan ng pagkakakitaan.

Sa ngayon ay nasa proseso pa ng paggawa ng National Crop Diversification Program ang Department of Agriculture (DA) upang masuportahan ang mga rice farmers na nahihirapang makipag kompetisyon sa rice importation.

10 OFWs mula Antique, nakatanggap ng livelihood assistance

Samantala, nasa 10 dating overseas filipino workers (OWFs) ang nakatanggap ng livelihood assistance sa People’s Day sa probinsya ng Antique.

Ayon kay Antique Governor Rhodora Cadiao, ang pamamahagi ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng Php10,000 bawat isa ay naglalayong makapagbigay ng alternatibong pagkakakitaan para sa mga OFWs upang hindi na kailangan pang manumbalik ng mga ito sa ibang bansa at magtrabaho.

Maaaring gamitin ng mga benepisyaryo ang pinansyal na tulong upang makapamili ng grocery items at makapagtayo ng sarili nilang mga tindahan.

More in Regional

Latest News

To Top