Connect with us

Pagpapalit ng pinuno sa gitna ng digmaan, hindi sinang-ayunan

Pagpapalit ng pinuno sa gitna ng digmaan, hindi sinang-ayunan

National News

Pagpapalit ng pinuno sa gitna ng digmaan, hindi sinang-ayunan

Hindi sang-ayon si Sen. Bong Go sa kagustuhan ng ilan niyang kasamang senador na pababain sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III.

Aniya hindi ito ang panahon para magpalit ng pinuno sa gitna ng digmaan.

Batid naman ani Go na may pagkukulang hindi lamang si Duque maging ang Department of Health (DOH) ngunit sa halip na yun ang isipin ay magtulungan nalang aniya ang lahat.

Dagdag pa ni Bong Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health na nakahanda naman ang national task force kasama ng ang buong gobyerno at ilang pribadong sektor para labanan ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kahapon nang naghain ng resolusyon ang ilang senador para pababain sa puwesto si Duque kasunod ng pagiging incompetent nito sa kaniyang tungkulin.

Nagpahayag na rin si Pangulong Duterte kahapon na hindi nito aalisin sa puwesto si Duque at magpapatuloy sa kaniyang serbisyo.

Lumutang na mga pangalan na papalit sa pinagbibitiw na si health sec. Duque, kwestyunable – IATF

Ipinagtaka ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang biglaang pagsulpot na mga pangalan na papalit sa pinagbibitiw na kalihim na si Health Secretary Francisco Duque III.

Sa isang virtual presser, sinabi ni Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na kwestyunable ang inihaing Senate resolution ng mga senador na nanawagang pababain sa puwesto si Duque.

Dagdag pa ng opisyal, nakapagtataka na nang lumabas ang naturang resolusyon, ay bigla namang nagsilabasan ang maraming mga pangalan na iminumungkahing ipapalit sa secretary of health.

Gayunpaman, inihayag ni Nograles na kung ang cabinet members ang tatanungin, nananatili ang kanilang buong suporta para kay Duque bunsod ng mahalagang tungkulin na ginagampanan nito.

Isa aniyang decision maker si Duque na ibinabase ang kanyang mga pasya batay sa siyensa at hard data.

Punto pa ng Palace official,  lahat ng rekomendasyon ni Duque ay tumutugma sa mga ini-implementa sa ibang bansa na higit na nakatutulong mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top