Connect with us

Pagpapasara sa e-sabong, pahirapan – PNP

Nais ng Philippine National Police (PNP) na mapabilang ang E-sabong sa mga iligal na sugal na maaaring mapatawan ng mabigat ng kaparusahan.

National News

Pagpapasara sa e-sabong, pahirapan – PNP

Aminado ang pulisya na pahirapan sa kanila ang pagpapasara sa mga nagsulputang e-sabong dahil sa hindi matukoy na operator nito.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, sa pagtaya ng PNP Anti-Cybercrime Group, posibleng abutin ng 2 linggo ang pagpapasara sa e-sabong sa bansa.

Nagsasagawa na aniya ng case build-up at nakikipag-ugayan na sila sa service provider para matukoy ang mga nasa likod nito.

Maliban dito, pagtutuunan din ng pulisya ang social media activities dahil nandito ang akwat na tayaan.

Samantala, muling magsasagawa ng inspeksyon ang PNP sa cellphone ng kanilang mga tauhan upang matiyak na walang nalululong sa sugal.

 

 

More in National News

Latest News

To Top